"Alam nyo po, tuwing ginugunita ang kamatayan ni Ninoy, naghahalo sa loob ko ang sari-saring damdamin.
Sa isang dako, siyempre, nalulungkot ako, una, dahil wala na siya sa piling naming mag-anak at, pangalawa, dahil hanggang ngayon ay di pa natin natatanggap ang ganap na katarungan hinggil sa pagpaslang kay Ninoy.
Sa kabilang dako, napapangiti ako dahil, tuwing sumasapit ang araw na ito, may pagkakataon akong bulungan muli ang aking palabirong asawa: “Ninoy, naisahan mo talaga ako!” Basta umakyat na lamang siya sa langit at pinaubaya niya sa akin di lamang ang pagpapalaki ng aming mga anak kundi pati na rin ang kanyang di-natapos na misyon para sa ating bayan.
Higit sa lahat, napupuno ako ng galak at inspirasyon dahil sa araw na ito noong 1983 napukaw ang damdamin ng mga Pilipino—at ito’y unti-unting umuusbong bilang People Power."
"Moving forward, I appeal to banks, corporations and foundations, civic organizations, religious groups and civil society, and all patriotic Filipinos to invest in our people especially those who in spite of their poverty continue to pursue enterprising ventures to confront their problems and difficulties. In memory of Ninoy’s martyrdom, I pledge to continue to promote People Power and harness our collective support for this key strategic endeavor in our common fight to eventually conquer poverty."
- Speech delivered by former President Corazon Cojuangco Aquino,
Manila Memorial Park. August 21, 2005
Manila Memorial Park. August 21, 2005
No comments:
Post a Comment